As an aesthetic form, literary translation is an art and craft of weaving the original voice and images of literary writer into another language.
In this bilingual collection of poems, Angelo B. Ancheta takes us into a journey of five Filipino poets with his own literary translation either in English or in Filipino. Not only does he translate the linguistic idiom and literary style of the poets, he also invites us to soak our feet into a new phenomenological experience of poetic journeys in another language as fresh and crisp as the original text.
Angelo B. Ancheta is a Filipino IT consultant, freelance writer, and a poet who writes and translates in English and Filipino. His essays, articles, and poems have appeared in the Philippine Star newspaper, PANORAMA, Graphic and Homelife magazines, and multiple online literary journals. He is included in an anthology of poets from Aklan titled “TOP 32 AKLANON POETS 2009″ and “MATIMGAS NGA PAEANOBLION 2011.” His haiku poems also appeared in the Winter edition of SimplyHaiku Vol. 8 No. 3.
– Danny Castillones Sillada
Table of Contents
1. Sa Aking Pag-Uwi by Genevieve L. Asenjo
Homecoming (Filipino to English)
2. Anino by Richard R. Gappi
The Shadow (Filipino to English)
3. Walking on the Rain Puddle by Danny Castillones Sillada
Pagtampisaw sa Lusak ng Ulan (English to Filipino)
4. Sonnet to a Pilgrim Soul by Santiago B. Villafania
Soneto sa Manlalakbay (English to Filipino)
5. What the Ghost Saw by Angelo Ancheta
Kung Ano ang Nakita ng Multo (English to Filipino)
FILIPINO TO ENGLISH
| 1. Sa Aking Pag-Uwi
By Genevieve L. Asenjo Halika, Ging, samahan mo akong isaulo muli ang palayan. Habulin natin ang mga paruparo at tutubi, kasimbilis ng kanilang pagkabanhaw sa ating isipan. S’yanga pala, maglalaba ako bukas. Huwag mong sabihing mga pakete na ng Downy, Surf at Tide Ultra ang mga isda at hipong lumalangoy sa sapa.Saan na lang hahanapin ni Nonoy ang lamig na inuungol ng tinda niyang baka? At ang aming pangungulila, saan namin ikukubli kung pati ang mi akasya natumba na sa bagrut ng chainsaw? Ging, maging ang kislap ng mga alitaptap, hahanapin ko na lang sa ‘yong mga mata. |
Homecoming
Trans. by Angelo B. Ancheta Come, Ging let us imagine once more the fields. Come, run after the butterflies and dragonflies fluttering as fast as our fleeting minds. By the way, tomorrow I will be washing clothes by the brook. You mean Downy, Surf, Tide Ultra are new types of prawns and fishes? Now how would Nonoy hear the mellow moos of cows before he butchers them for sale? Where do we hide our hunger if even the acacia trees have fallen down thanks to a chainsaw? Ging, let me just adore then those glittering fireflies now only in your eyes. |
| 2. Anino
By Richard R. Gappi Ano ang pangalan ng Anino? sa isang pista sa bayan ng Batangas, inimbitahan ang isang grupo ng mosiko na mga taga-Angono upang tumugtog. Dahil hindi pa nagsisimula, nagswimming muna sila sa dagat bago magtanghaling tapat. Nang nagtatanghal na sila, kumumpas ng “Nobody, nobody, but you” at mga awit-martsa ang konduktor. Ngunit walang nakikiindak at nakikisayaw sa saliw ng kanilang mga kanta. Nangatwiran ang ilan sa mga nakikinig: “Pistang pista e, bakit ang tugtog nyo e, punebre.” Naumid ang dila ng lahat. Kaya pala, may kulang na tunog sa matalas na pandinig ng kumukumpas. Pumunta sila sa dalampasigan. At nakita nila ang duguang noo at nakahandusay na katawan ng Anino. Samantalang ang Anino naman, naglalakad papatawid sa kabilang pampang; parang isang bangkang naglalayag sa rabaw ng dagat habang papalubog ang araw. At sa unang pagkakataon, naramdaman ng Anino ang kanyang kalayaan; hiwalay ang sarili sa katawan at nagkaroon ng sariling pangalan. |
What is the Shadow’s name?
Trans.by Angelo B. Ancheta According to an old tale, on the feast of a town in Batangas, a band of musicians from Angono was invited to play. While waiting for its turn, the members went to swim to a nearby sea before noontime. When it was time to show, upon the conductor’s signal, the band started playing “Nobody, nobody but you” and march songs. Yet nobody wanted to dance to the music. According to someone listening, “Why would anyone dance to a funeral song?” Everyone was tongue-tied. The sharp-eared conductor then realized the band was in the wrong key. They went toward the beach where they saw a bloodied forehead of a Shadow’s body sprawled on the floor. The Shadow walked toward the other side like a dead man floating on water on a late afternoon sunset. For the very first time, the shadow felt free from its body wearing its own nameplate. |
| 3. Walking on the Rain Puddle
By Danny Castillones Sillada It used to be the window of my innocence, acquiescent to my juvenile cruelty: I’d skim a stone, slaver on its glimmering surface, or flay with bamboo stick, my antithetical world would break apart, but it’d always recommence to its normal state. I used to dream on its vertiginous mouth, a wounded boy begging to fly to traverse inside |
Pagtampisaw Sa Lusak Ng Ulan
Trans. by Angelo B. Ancheta Dati itong bintana ng aking pagkawalang-muwang, sumusunod sa kapilyuhan ng kabataan. Madalas kong tadyakan mga ulap nito hanggang ito’y masira at mangulubot. Pagkatapos, magbibiyak-biyak ang aking mukha na dahan-dahan ding bumabalik sa dating anyo. Magpapahapaw ako ng bato sa ibabaw, duduraan ang makinis nitong balat, o kaya’y magtatalop ng isang patpat: ang baligtad kong mundo’y magugunaw nguni’t muling babalik sa dati nitong kalalagayan. Madalas akong managinip sa nakakaliyo nitong bibig: isang sugatang bata na nais lumipad, nais bagtasin |
| 4. Sonnet to a Pilgrim Soul
By Santiago B. Villafania When the sun gilds the sky in the morning And deep darkness makes a noble retreat O hear the music in the air fleeting For you can never recapture the beat When the morning spreads her warm golden wings And the sapphire sky is wordlessly deep Look yonder and feast with your eyes the things Which you seldom see in your dreamful sleep Don’t you feel forlorn beloved pilgrim If the world will mind your lowly a state A time will come when their eyes will grow dim And they too will fall on our self-same fate An empty shell to decay into dust When our days in the sun come into the past |
Soneto sa Manlalakbay
Trans. by Angelo B. Ancheta Sa pagsabog ng liwanag sa umaga marangal na iidlip ang kadiliman. Dinggin mo kakaibang himig, kayganda at hindi mo na muli mapakikinggan Pagkampay ng umaga ng init-bagwis sa pulang langit, maalab, di masukat, pagmasdan mo.at magpakasasa sa nais na di matagpuan maging sa dalumat. Ang lumbay ‘wag mong bitbitin manlalakbay kung ang mundo sa yo’y walang pakialam. Kanilang mata ay lalabo rin. Malay nilang sasapitin… hirap, pagdaramdam. Alabok ang kahihinatnan ng ungas. Pagdating ng araw siya ay lilipas |
| 5. What the Ghost Saw
By Angelo B. Ancheta It was a thin slice of light through the windowpane an hour before dawn as I stood looking out for that not faraway house where lives a single lady. A teacher who scared the wits out of a kid who refused to let go of her mother’s hand that needed to hang clients’ clothes the kid rose and said she would rather want to help her mother to be with her. But the teacher kept telling her stories of a winged friend who kidnaps and eats the stubborn With fiery eyes the kid let go of her mother, crossed the street near the fiend’s flat. The teacher paid me a visit this morning forty-days after that day she fooled me and lay down her peace offering. Told me mother has no clothes to hang. I followed her to check my flapping foe But there was only a single slab of light. |
Kung Ano ang Nakita ng Multo
Trans. by Angelo B. Ancheta
kung saan nakatira ang isang dalagang ale. Isang guro na tumakot sa isang batang mag-aaral na ayaw mawalay sa kanyang inang may kailangan pa raw tapusing labada. Tumayo ang bata at gustong umuwi. Mas gugustuhin pa niyang umuwi at tulungan ang ina para lang kasama niya ito. Ngunit ang guro ay nagsimulang magkwento ng kaibigan daw niyang may pakpak na nanghuhuli at kumakain ng salbaheng bata. Namula ang mata ng bata at kumawala sa pagkakapit sa ina. Tumawid siya sa kalsada malapit sa bahay daw ng halimaw. Dinalaw ako ng guro ko ngayong umaga makalipas ang apatnapung araw mula noong araw na iyon na niloko niya ako at nag-alay sya ng bulaklak. Humihingi siya ng paumanhin at sinabing wala naman daw talagang dapat tapusin si inay noong araw na iyon. Sinundan ko siya para usisain ko rin ang sinasabi niyang kaibigan niya. Ngunit pagdating ko sa bahay niya wala akong nakita maliban sa isang tipak ng liwanag. |
References:
1. “SA AKING PAG-UWI” & “HOMECOMING” http://balaysugidanun.com/ 2011/01/05/homecoming-by-angelo-ancheta-translation-of-sa-aking-pag-uwi-bygenevieve-l-asenjo/
2. SONNET TO A PILGRIM SOUL / SONETO SA MANLALAKBAY http://www.dalityapi.com/2009/04/in-many-tongues-sonnet-to-pilgrim-soul.html
3. “WHAT THE GHOST SAW”‘ published by Poor Mojo’s Almanac(k) http:// www.poormojo.org/cgi-bin/gennie.pl?Poetry+515+bi




